Speaker Cayetano, pinamamadali na ang pag-apruba sa panukalang pagtatatag ng Department of Disaster Resilience

Hinimok ni Speaker Alan Peter Cayetano ang mga kongresista na madaliin ang pag-apruba sa panukala para sa pagtatatag ng Department of Disaster Resilience (DDR).

Ayon kay Cayetano, bagama’t nakasentro ngayon ang gobyerno sa paglaban sa COVID-19 pandemic ay kailangan pa ring maging handa sa mga kalamidad na tatama sa bansa.

Binigyang diin ng Speaker ang kahalagahan na maagapan ang mga kalamidad na siya ring nagiging dahilan ng kahirapan sa bansa.


Hinamon din ni Cayetano ang mga kasamahang mambabatas na bumuo ng solusyon para sa pangmatagalang solusyon, programa at mekanismo na tutugon sa mga natural calamities.

Sa ilalim ng House Bill 5989 na iniakda ni Cayetano, ang DDR ang siyang mangunguna sa disaster preparedness, prevention, mitigation, response, recovery, and rehabilitation matapos ang kalamidad.

Kasalukuyang nakabinbin sa deliberasyon ng plenaryo ang panukalang DDR.

Ang panawagan na madaliin ang pag-apruba sa DDR ay bunsod na rin ng panghihikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA na bilisan ng Kongreso ang pagpasa sa panukala.

Facebook Comments