Speaker Cayetano, tiniyak ang pagiging patas sa pagtalakay sa panukalang parusang kamatayan

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa publiko na magiging patas ang talakayan ng Mababang Kapulungan sa panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ayon kay Cayetano, bibigyan ng Kamara ng “healthy debate” ang publiko sila man ay pro o anti sa panukala.

Sinabi pa ni Cayetano na bibigyan ng sapat na oras ang mga stakeholders na makapagsalita ng malaya sa kani-kanilang posisyon sa death penalty at hahayaang magbigay ng solusyon kung papaano mababawasan ang krimen sa bansa.


Magiging merito at konteksto ng debate ay mga paraan para mabawasan ang mga karumal-dumal na krimen.

Matatandaang nakalusot noong 17th Congress sa Mababang Kapulungan ang panukalang pagbabalik ng death penalty pero hindi naman ito nakausad sa Senado.

Muling inihain ngayong 18th Congress sa dalawang Kapulungan ang parusang kamatayan matapos na mabanggit ito ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.

Facebook Comments