Speaker Cayetano, tiniyak kay SP Sotto na hindi made-delay ang pagpasa sa 2021 National Budget

Pinawi ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pangamba ni Senate President Tito Sotto III na hindi maipapasa on time ang 2021 General Appropriations Act sa susunod na buwan.

Ayon kay Cayetano, walang dapat ikabahala ang mga senador hinggil sa pagpasa ng pambansang pondo.

Posible aniyang nakatanggap si Sotto ng maling impormasyon hinggil sa mga nangyayari sa Kamara nang ipasa nito sa ikalawang pagbasa ang House Bill no. 7727 o panukalang ₱4.506 trillion national budget para sa 2021.


Bubuo ang Mababang Kapulungan ng small committee para i-deliver ang budget bill sa Senado sa November 16.

Trabaho ng small committee na amiyendahan ang proposed budget at gawing ‘responsive’ sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Cayetano na ang November 16 schedule ay hindi pa tiyak dahil may ilang grupo ang nais gumawa ng gulo sa Mababang Kapulungan.

Ang tinutukoy ni Cayetano ay ang kampo ni Marinduque Representative Lord Allan Velasco.

Pagtitiyak din ni Cayetano na naging unanimous ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa ng budget measure.

Facebook Comments