Speaker GMA, bumisita sa mga sugatang biktima ng lindol sa Pampanga

Binisita ni House Speaker Gloria Arroyo ang mga sugatang biktima matapos ang 6.1 magnitude na lindol sa Zambales.

Nagtungo kaninang madaling araw si Speaker GMA sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital sa San Fernando City, Pampanga at sinilip ang sitwasyon ng mga constituents.

Inalam din ng Speaker ang mga kailangang ayuda ng mga biktima ng lindol at ang kabuuang pinsala na iniwan nito.


Aabot sa humigit kumulang 60 ang mga sugatan sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan dahil sa malakas na lindol.

Nauna namang sinilip ni Arroyo ang Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga na gumuho at may mga naiulat na naiwang na-trap sa loob ng gusali.

Facebook Comments