Mga celebrity, nagbahagi ng karanasan sa nangyaring lindol kahapon

Nagkwento ng kani-kanilang experience at mensahe ang ilang celebrities sa nangyaring 6.1 magnitude earthquake kahapon.

Sa Twitter post ng aktres na sila Barbie Forteza, Bella Padilla, Gabbi Garcia, Ruby Rodriguez, singer Kris Lawrence ay naramdaman nila ang lakas ng paggalaw ng lupa.

Makikita naman sa video ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang paggalaw ng malaking chandelier sa isang 5 star hotel sa BGC, Taguig.


Nakuhanan naman ng broadcast journalist na si Atom Araullo ang pag-alon ng swimming pool.

Habang nagpaalala ang mga batikang singer na sina Lea Salonga, Gary Valenciano, TV host Bianca Gonzales, aktor na si Derrick Monasterio at aktres na si Agot Isidro na mag-ingat parati.

Facebook Comments