Speaker GMA, hinimok ang gobyerno sa maayos na implementasyon ng Rice Tariffication Law

Manila, Philippines – Nanawagan si House Speaker Gloria Arroyo sa maayos na implementasyon ng Rice Tariffication Act matapos na pirmahan noong Biyernes ni Pangulong Duterte.

Sa ilalim ng batas ay luluwagan ang pag-i-import ng bigas at magpapataw ng 35% na buwis sa mga rice imports mula sa Asean countries.

Nais matiyak ni Arroyo na ipapatupad ang import restrictions na nakapaloob sa batas upang matiyak na hindi ito makakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka at Local Rice Sector.


Dapat aniyang masiguro na magbebenepisyo ang lahat sa oras na maipatupad na ang batas.

Naniniwala ang kongresista na makakatulong ang batas para mapababa ang Inflation na lubhang nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga mahihirap.

Magkakaroon din ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (Rcef) kung saan 10% sa P10 billion alokasyon para dito o P1 billion ay ilalaan sa mga magsasaka at kooperatiba para magamit sa financing facilities, pagpapataas ng skills ng mga local farmers at produksyon gamit ang makabagong paraan ng pagsasaka.

Facebook Comments