Speaker Lord Allan Velasco, umapela kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsidera ang polisiya sa pagsusuot ng face shield

231

Umaapela si Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na irekunsidera ang polisiya kaugnay sa pagoobliga sa mga tao na magsuot ng face shield.

Sa liham na ipinadala ni Velasco sa pangulo, tinukoy ng speaker ang economic at medical concerns sa mandatory na pagsusuot ng face shield.


Nakasaad sa liham na ang face shield requirement ay dagdag na financial burden lamang sa mga Pilipinong nahihirapan na nga sa epekto ng pandemya.

Tinukoy rin ni Velasco ang kawalan ng matibay na medical proof o ebidensya na ang paggamit ng face shield ay epektibo para mapigilan ang transmission o pagkalat ng COVID-19.

Dahil dito, hinihiling ni Velasco sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa Department of Health (DOH), na parehong nasa ilalim ng Executive Department, na irekunsidera ang mandatory na pagsusuot ng face shield sa labas ng bahay tulad ng mga mall, commercial establishment, at public transportation.

Batay aniya sa COVID-19 Low Income Household Panel and Economic (HOPE), 56% ng mga Pilipino ang walang makain ngayong pandemic kaya naman ang P20 hanggang P50 na presyo ng face shield ay pandagdag na sanang pambili ng pagkain ng isang mahirap na pamilya.



Facebook Comments