Hindi na muling tatakbo bilang Party leader si US House Speaker Nancy Pelosi.
Ito ang kinumpirma ng Democratic leader kasunod ng pagbaba niya sa pwesto sa Enero matapos na makuha ng Republicans ang mayorya sa House sa katatapos lang na Midterms Election sa Amerika.
Nabatid na mahigit dalawang dekadang namuno ang Democratic Party sa House bago nasungkit ng Republicans.
Gayunpaman, sinabi ni Pelosi na mananatili pa rin ito sa Kongreso bilang representative ng San Francisco.
Umani naman ng mga papuri mula sa kapwa Democrats ang desisyon na ito ni Pelosi.
Si Pelosi ang kauna-unahang babae na naging House speaker ng Kongreso sa Amerika.
Tinawag naman ni US President Joe Biden si Pelosi na “The Most Consequential Speaker of the House of Representratives” sa buong kasaysayan ng Amerika.