Higit 1,200 trabaho, nakalaan para sa mga Pilipino sa Israel!

Goodnews sa mga jobseeker sa abroad!

Umaabot sa higit 1,200 trabaho ang naka-abang para sa mga Pilipino sa Israel.

Nangangailangan ng hotel workers at housekeepers ang naturang bansa, kung saan ang starting salary ay nasa mahigit P80,000 kada buwan at may mga benepisyo pa.


Para sa mga nais mag-apply, kailangan muna magparehistro via online bago magpunta sa tanggapan ng Department of Migrant Workers (DMW).

Dagdag pa, kailangan din na mayroong Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) National Certificate II (NC-II).

Pinaalala naman sa publiko na mag-apply mismo sa nasabing ahensya at walang anumang babayaran para sa aplikasyon.

Facebook Comments