Speaker Romualdez, may hamon kay Senator Imee Marcos kaugnay sa isyu ng umano’y suhulan para sa People’s Initiative

Hinamon ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Senator Imee Marcos na maglabas ng ebidensya at dumulog sa proper forum tulad ng korte at Commission on Elections (Comelec).

Kaugnay ito sa sinabi ni Senator Imee na ang tanggapan ni Romualdez ang nasa likod ng umano’y pag-aalok sa bawat distrito ng tig-P20 million para makamit ang kailangang lagda para sa People’s Initiative na nagsusulong Charter change (Cha-cha).

Sabi ni Romualdez, maaring nakikinig sa ‘marites’ si Senator Marcos kaya walang basehan ang mga impormasyong inilalabas nito laban sa kanya.


Sa kabila nito ay binigyang diin ni Romualdez na nanatili ang respeto nya kay Marcos bilang pinsan niya at senator ng bansa at anumang oras ay pwede itong tumawag sa kanya kung may gustong linawin sa halip na sabihin agad sa media ang mga bagay na walang totohanan.

Facebook Comments