Death toll sa Davao at Caraga Region dahil sa epekto ng shearline, sumampa na sa 18

Umakyat na sa 18 katao ang iniwang patay ng epekto ng shearline sa Davao at Caraga Region.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw, mula sa nabanggit na bilang, sampu ang kumpirmadong nasawi habang ang walo ay patuloy pang beneberipika.

Lahat ng casualties ay naitala sa Davao region.


Samantala, umabot na sa halos 1 milyong indibidwal ang apektado mula sa 478 barangays sa dalawang rehiyon.

Pumalo naman sa P27-M ang pinsalang iniwan ng sama ng panahon sa imprastraktura at P78.11-M sa agrikultura sa dalawang nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments