Ayon sa pahayag ni Ginoong Charles Roy Olinares, Office-in-Charge General Manager ng ISELCO-II, naglabas ng Resolution ang LGU Ilagan na sinasaad dito na iisponsoran nito ang venue maging ang logistics para sa pagsasagawa ng AGMA.
Sa kabilang banda, aniya kinakailangan munang aprubahan ng National Electrification Administration (NEA) upang maisagawang muli ang AGMA maging ang supplementary budget nito.
At sa panig naman ng pamunuan ng ISELCO-II, kinakailangan pa nilang maisaayos ang lahat ng programa kung sakaling maaprubahan na isagawang muli ang AGMA.
Magugunita na nauna ng inilabas ng City of Ilagan Council ang Resolution No. 155 bilang petisyon sa ISELCO-II na isagawa sa lungsod ang AGMA bilang lokasyon ng principal office ng kooperatiba at majority ng Member-Consumer Owners ay mula sa lungsod.