Special audit sa transaksyon ng PS-DBM at Pharmally, isinasagawa na ng COA

Nagsasagawa na ng special audit ang Commission on Audit (COA) sa mga transaksyon sa pagitan ng Pharmally Pharmaceutical Corp. at ng Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM).

Inihayag ito ni COA Chairperson Michael Aguinaldo sa pagtatanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon sa ika-10 pagdinig ng Senado ukol sa umano’y overpriced na pandemic supplies.

Umaasa naman si Drilon na matatapos ngayong taon ang resulta ng special audit para maisama ito sa report na ilalabas ng Senate Blue Ribbon Committee.


Facebook Comments