Sinimulan na ng Department of Education ang pagkumpuni, pagpintura at paglilinis sa ibang eskwelahan na naapektohan ng 5 buwang giyera sa Marawi City bilang bahagi ng special Brigada Eskwela.
Ang aktibidad ay joint efforts ng lahat ng DepEd offices sa buong bansa, kasama ang regional offices sa Mindanao na nagbahagi ng manpower, kasama rin ang Visayas at Luzon regional offices na nag-ambag naman ng kanilang resources.
Ang Marawi City ay may 69 eskwelahan, 22 dito ay totally damaged bunsod ng digmaan.
Pinangunahan ni Education Secretary Leonor Briones at DepEd-ARMM Secretary Dr.John Magno ang Brigada Eskwela sa 16 na paaralan sa lungsod.
Sinabi ni Sec. Briones na kailangang magpatuloy ang edukasyon, tutulong ang DEpED sa pagsasa-ayos at rehabilitasyon ng mga eskwelahan sa Marawi city,.
Sinabi din ng kalihim na ang psychosocial assistance ay hindi lamang para sa mga mag-aaral nguniy para din sa displaced teachers.
Samantala, patuloy naman ang monitoring ng DepEd-ARMM sa sitwasyon ng mga naapektohang mag-aaral at mga guro.
Special Brigada Eskwela, ikinasa ng DepEd sa Marawi city1
Facebook Comments