SPECIAL ECONOMIC ZONE PARA SA MGA AGRI-PRODUCTS, IPAPATAYO SA LA TRINIDAD BENGUET

Benguet, Philippines – Isang special economic zone (SEZ) ang suhestiyon na idadagdag ipatayo sa La Trinidad Benguet ni Baguio City Representative Marquez Go, para mas matutukan pa ang mga agriculture products kung saan ang economic zone ay mag-iimbita ng ilang mga negosyanteng nakatuon ang negosyo sa agrikultura.

Isang paraan din ito para mahikayat ang mga investors sa La Trinidad na sumuporta sa sektor pang agrikultura kung saan makaka-dagdag sa kita ng munisipalidad at sa pamayanan, dagdag pa ng mambabatas.

Samantala, sumang-ayon naman sa suhestiyon ang alkalde ng La Trinidad, Mayor Romeo Salda pero kung saan isang halos kaparehong proposal din na patungkol sa pagpapatayo ng economic zone, ito ay ang processing centers na ipapatayo sa BSU


Nasa higit na P100 million at karagdagang trabaho ang inaasahan pagkatapos maipatayo ang SEZ.

Facebook Comments