Special Election, Isasagawa sa Jones, Isabela

Nakatakdang magsagawa ng special election sa Mayo 20, 2019 sa Barangay Dicamay Uno, Jones, Isabela.

Batay sa nakalap na impormasyon mula sa COMELEC Jones, ang nasabing special election ay isasagawa matapos na ideklarang failure ang halalan sa naturang lugar nang sunugin ang mga balota at mga VCM na kung saan ay mayroong pa sanang mahigit dalawang daan boto ang bibilangin mula dito.

Nangyari ang panununog ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Santa Isabel, Jones sa tiyempong ibinibiyahe ang mga election paraphernalias mula sa naturang barangay papuntang bayan.


Bubuhusan naman ng PNP at AFP ay lalo naman ngayon na bubuhusan ng tropa ang lugar upang hindi maulit ang nasabing pangyayari.

Sa ngayon ay wala paring naisasagawang proklamasyon para sa mga nanalong kandidato mula alkalde hanggang konsehal sa nasabing bayan.

Facebook Comments