Special Election para sa SK Kagawad, Nakatakda na!

Cauayan City – Ibinahagi ni Regional Director *Jonathan Paul M. Leusen Jr., CESO IV*, ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang gaganaping botohan para sa mga bakanteng posisyon ng Sangguniang Kabataan sa ilang barangay dito sa Rehiyon.

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Regional Director Jonathan Paul M. Leusen Jr., magkakaroon umano ng Special Election ngayong Enero para sa SK Kagawad.

Aniya, sa ikatlong linggo ng Enero maaari nang magsimulang magfile ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga kabataan na nagnanais tumakbo bilang Kagawad ng Barangay.


Kaugnay nito, may mga alituntunin at nakatalagang araw naman para sa campaign period upang maiwasan ang anumang gusot at maging maayos ang nasabing halalan.

Giit naman ni RD *Leusen*, hindi makakaapekto ang nasabing Special Election sa 2019 Midterm Elections pagka’t pupunan lamang nito ang kakulangan sa mga SK Kagawad.

Bahagi nito, inaasahan din ang pakikiisa ng mga Brgy. Officials at mga kawani ng PNP para matiyak ang kaayusan ng eleksyon.

Facebook Comments