Special elections sa ika-pitong distrito ng Cavite, kasado na sa February 2023

Kasado na ang special elections sa para sa pagpili ng kakatawan sa ika-pitong distrito ng Cavite sa February 2023.

Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, automated itong gagawin sa 500 voting precincts na magkakaroon ng 10 voting machines kada presinto.

Hindi naman makakalahok ang mga newly-registered voters dati hindi pa ito inaprubahan ng Election Registration Board (ERB).


Sinisilip naman ng COMELEC na isagawa ang paghahain ng Certificate of Candidacy (CoC) sa Disyembre ngunit kung isang kandidato lamang ang maghahain ay otomatiko itong idedeklarang Cavite 7th District Representative alinsunod sa batas.

Mababatid na nabakante nitong Hulyo ang 7th District ng Cavite matapos tinanggap ni Boying Remulla ang posisyon bilang Justice Secretary.

Facebook Comments