Special Envoy to China Mon Tulfo, pinagbibitiw ni Sen. De Lima

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Senator Leila De Lima na kung hindi sisibakin ng Malakanyang ay dapat kusa nang magbitiw si Special Envoy to China Mon Tulfo.

Mensahe ito ni De Lima makaraang ihayag ni Tulfo na tamad ang mga Filipino construction workers.

Para kay De Lima, ang sinabi ni Tulfo ay malinaw na insulto sa mga Pilipino na siyang nagpapasweldo sa kanya bilang isang opisyal ng pamahalaan.


Giit ni De Lima kay Tulfo, dapat interes ng mamamayang Pilipino ang isinusulong nito sa halip na ipagtanggol ang pag-agaw ng mga ilegal Chinese workers sa mga trabaho na nakalaan sa mga Pilipinong manggagawa.

Facebook Comments