Dakong 7:47 kaninang umaga nang lumipad ang special flight ng Philippine Airlines (PAL) na susundo sa mga pasaherong naapektuhan ng travel ban sa mga lugar sa China na apektado ng 2019 novel coronavirus (nCoV).
Sakay ng naturang eroplano ang Chinese nationals at iba pang dayuhan na pabalik ng mainland China via Xiamen Gaoqi International Airport.
Ang special flight ng PAL ay bilang boluntaryo sa serbisyo ng mga piloto at cabin crew na may rutang Manila-Xiamen at Xiamen-Manila.
199-seater na Airbus A321 ang ginamit ng PAL sa naturang special flight.
Tanging mga Pilipino na may hawak na mga permanenteng visa pabalik ng Pilipinas naman ang papayagang makasakay sa naturang flight pabalik ng Manila.
Ang PR flight PR335 naman ang pabalik na special flight mula Xiamen ay aalis doon ng 11:05 ngayong umaga, at inaasahang dadating ng Maynila bago mag-alas dos ngayong hapon.
Otomatikong sasailalim sa labing-apat na quarantine ang lahat ng sakay ng nasabing eroplano kabilang na ang mga piloto at crew nito.