Wanted na Lalaki, Arestado sa Naguilian, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Huli ng otoridad ang isang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang warrant of arrest nito pasada alas 8:00 ngayong umaga sa Sitio Balungiking, Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Isidro Villanueva, 47 anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela.

Si Villanueva ay nahaharap sa kasong Direct Assault Upon an Agent of Person in Authority na may kaukulang piyansa na Php36,000.00.


Dinala sa himpilan ng PNP Naguilian ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments