Special Forces ng Pilipinas at Estados Unidos, muling nagsanay sa Palawan na ginastusan ng Amerika sa kabila na inaasahang pagtatapos ng VFA

Hindi pa rin natatapos ang magandang samahan ng pwersa ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ito’y sa kabila ng mga inisyal na hakbang ng gobyerno na tapusin na ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Amerika kung saan isa sa mawawala ay ang mga military exercises sa pagitan ng US at Philippine Forces.

Sa press release na inilabas ng US Embassy nagsagawa ng counter insurgency training ang US at Philippine Forces simula nitong buwan ng Enero hanggang ngayong buwan ng Pebrero sa Palawan.


Itinuon ang military exercises sa pagpapaangat pa ng counterterrorism tactical at skills ng US Army Special Operations Forces at elite contingents ng Philippine 18th Special Forces Company.

Bukod dito sumentro rin ang pagsasanay sa halaga ng pagkakaroon ng suporta ng militar sa local community bilang isa sa mahalagang counterterrorism strategy.

Ang pagsasanay ay pinondohan ng U.S. Department of Defense (DOD) na aabot sa halagang Php5,000,000 o $100,000.

Sa statement ng US Embassy nang nakalipas na taon umabot sa Php50,000,000 o $1,000,000 ang pinondo ng US-DOD sa mga pagsasanay nila sa bansa kasama ang Philippine Forces.

Layon pa rin ng Amerika sa patuloy na pagsuporta sa Philippine Forces ay upang mas manatili ang matagal ng magandang relasyon ng Amerika at Pilipinas.

Facebook Comments