Patuloy ang pagsisikap ng PNP upang maresulbahan ang kamatayan ni Jeraldyn Rapiñan. Ipinahayag ito ni PSupt Venerando Ramirez, Chief ng PNP – PCR Camsur Provincial Office.
Magugunitang itinapon lamang ang katawan ni Jeraldyn sa tabi ng kalsadasa Maharlika High-Way sa bayan ng San Fernando,Camarines Sur noong nakaraang June 15 ng madaling araw.
Ayon pa kay Ramirez, may binuong Special Investigation Task Group (SITG) na siyang magtutok sa malawakang imbestigasyon upang malaman talaga ang misteryong nasa likod ng kamatayan ng nasabing babae.
Idinagdag pa ni Ramirez na patuloy ang pag-ipon ng mga importanteng impormasyon kaugnay ng nasabing pangyayari upang mabuo ang kaso laban sa kung sino man ang matutukoy na suspect. Ayon pa sa kanya, medyo nahihirapan sila ngayon dahil walang direct witnesssubalit ginagawa nila ang lahat upang ma-consolidate ang lahat na available evidences and documents para tuluyan ng maka-file ng kaso kaugnay ng nasabing krimen.
Magugunitang isang pari ang isa sa mga persons of interest na kung saan, kalat na sa social media at mga radio ang pangalan nito.
May pahayag naman mula sa pamilya ng may anak sa pagkadalaga ang biktima at isang pari umano ang ama nito.
Special Investigation Task Group – Tumututok sa Kaso ni Jeraldyn Rapiñan
Facebook Comments