Special Investigation Team sa pagpaslang sa Kidapawan broadcaster, aprubado ng DOJ

Inaprubahan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagbuo ng ‘Special Investigation Team’ (SIT) na tututok at palakasin ang kasong murder laban sa mga suspek sa pagpatay noong 2019 kay Kidapawan City broadcaster, Eduardo “Ed” Dizon.

Inatasan ni Remulla si Malolos City Prosecutor Aldrin Evangelista na pamunuan ang ‘SIT Dizon’ kasama ang Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Si Evangelista ang isa sa mga DOJ prosecutors sa matagumpay na prosekusyon ng mga kaso laban sa mga suspek sa ‘2009 Ampatuan Massacre.’


Pinasalamatan nanan ni PTFoMS Executive Director Usec. Paul M. Gutierrez ang desisyon ni Remulla kung saan ang pagbuo ng task force ay bahagi ng pangako ng gobyerno na matiyak na mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima ng karahasan at maipatupad ang batas.

Ayon pa sa direktiba, binigyan ng kapangyarihan si Evangelista na magtalaga ng iba pang mga miyembro sa naturang task force mula sa iba mga ahensiya ng gobyerno na kabilang sa PTFoMS matapos konsultahin si Gutierrez.

Inatasan din ni Remulla ang SIT Dizon at ang PTFoMS na regular na magsumite sa kanyang opisina hinggil sa itinatakbo ng kaso.

Facebook Comments