Special monitoring teams, ipapadala sa Lanao del Norte at Cotabato para sa Feb. 6 plebiscite

Magpapadala ng special monitoring teams ang Commission on Election (Comelec) sa Lanao del Norte at North Cotabato para sa ikalawang plebisito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, binubuo ang monitoring team ng Comelec personnel na mayroong “extensive experience” sa halalan.

Gayunman, sabi ni Jimenez, hinihintay pa nila ang rekomendasyon ng kanilang field officials sa Mindanao kung itutuloy o ipagpapaliban ang February 6 plebiscite matapos ang twin bombings sa Jolo, Sulu.


Ang plebisito sa February 6 ay sakop ang anim na mga munisipalidad ng Lanao del Norte at 39 barangays ng North Cotabato.

Una nang isinagawa ng plebisito sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Cotabato City at Isabela City sa Basilan noong January 21 kung saan panalo ang botong “yes”.

Facebook Comments