Manila, Philippines – Tumatanggap ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng special permit applications para sa mga bus.
Layunin nito na dagdagan ang bilang ng bus sa mga lugar na bultu-bulto ang pasahero.
Ayon kay LTFRB Board Member, Atty. Aileen Lizada – ang provision ng special permits ay limitado lamang tuwing mayroong ginaganap na espesyal na okasyon o aktibidad, at tuwing special holidays.
Ani Lizada – nagsasagawa sila ng imbentaryo ng authorized buses na may expired o abandoned franchises habang tumatanggap din sila ng applications for appropriations of certificate of public convenience para matugunan ang kakulangan ng bus units.
Maari ring maglabas ng special permits bilang contingency sa pagbubukas ng klase, pagsasagawa ng anti-colorum drive, pagsasara ng public terminals sa cubao na lumabag sa ‘nose in, nose out’ policy, at pagdiriwang ng ilang regional festivities.
Ang mga applicant ay dapat tukuyin ang purpose ng biyahe at ilagay ang specific address ng mga terminal ng magkabilang dulo ng dinadaanang ruta.