SPECIAL PERMIT NG MGA BABIYAHENG BUS NGAYONG SEMANA SANTA, TINIYAK

Tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nadagdagan ang bilang ng mga provincial bus na ba-biyahe ngayong Semana Santa.

Ito ay kasunod ng higit isang libong special permits na inisyu ng tanggapan sa mga bus companies upang matugunan ang inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Sa Dagupan City, nanindigan si Terminal Master Robert Silvestre na tuloy-tuloy ang magiging biyahe ng kanilang mga bus upang hindi magkumpulan sa terminal.

Tiniyak ng opisyal na dumaan sa tamang inspeksyon ang mga bus at driver para sa ligtas na pagbyahe at paghahatid sa mga biyahero sa kanilang mga destinasyon.

Sapat rin umano ang mga ba-biyaheng at masusing sinusuri na nasa maayos na kondisyon bago bumyahe.

Sa ngayon, normal pa rin umano ang bilang ng mga nagsisidatingang biyahero ngunit nakahanda na umano ang tanggapan sa dagsa nito sa mga susunod na araw.

Kaugnay nito, epektibo ang special permit mula sa LTFRB simula noong April 11 hanggang April 27. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments