PNP MANGALDAN, IGINIIT ANG PAGIGING NEUTRAL NGAYONG HALALAN

Tinitiyak ng Mangaldan PNP na nananatiling neutral at walang kinikilingan ang mga ito ngayong panahon ng halalan.

Sa inilabas na pahayag ng himpilan, hindi umano makikilahok ang mga pulisya sa anumang gawaing pampulitika ng mga kumakandidato.

Dagdag nila, hindi rin sila magpapakita ng suporta at pag endorso sa sinuman sa mga ito.

Samantala, nauna nang inihayag ng pulisya sa IFM News Dagupan ang mahigpit na pagbabantay ng mga ito sa bayan bilang nananatiling nasa ilalim ng Yellow Category o areas of concern ang Mangaldan hanggang sa kasalukuyan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments