Special permits, ire-require sa mga traditional jeep bago payagang bumiyahe sa susunod na linggo

Inaatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga operator ng traditional jeepneys na kumuha ng special permits mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) bago silang payagang magbalik operasyon sa susunod na linggo.

Ayon kay Transportation senior consultant Alberto Suansing, kailangang pumasa ang mga tradisyunal na jeep sa emission test at road worthiness test bago sila isyuhan ng special permit.

Sinabi pa ni Suansing, papayagan lamang ang limitadong bilang ng tranditional jeep na bumiyahe sa mga kalsadang hindi naaabot ng mga bus, tren, at modern jeep.


Dagdag pa ni Suansing, ang mga tradisyunal na jeep ay papayagang mag-operate hanggang December 30 dahil ang kanilang prangkisa ay babawiin.

Kaugnay nito, hindi sang-ayon si PISTON National President Mody Floranda sa guidelines ng DOTr dahil tila unti-unting inaalis na ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeep sa kalsada.

Facebook Comments