Manila, Philippines – Bilang paghahanda sa nalalapit na undas, inaprubahan ng LTFRB ang lahat ng aplikasyon para sa special trip ng mga bus.
Ayon kay LTFRB Board Member and Spokesperson Aileen Lizada, batay sa kanilang datos nakatanggap sila ng 420 applications.
Sa kabuuan, aabot sa 1,040 bus ang may special permit na naaprubahan.
Anya, hindi dapat lumampas ng 25 porsyento ng kabuuang bilang ng units na may certificate of public conveyance ang dapat na mabigyan special permit.
Paliwanag ni Lizada, kailangan itong lagyan ng limitasyon para hindi maapektuhan ang ibang ruta.
Pinakamaraming bibiyahe sa North Luzon na may 616 units, 295 units sa South Luzon at pangatlo sa Bicol region kung saan 96 units ang may special permit.
Simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, epektibo ang nasabing special permit.