SPECIAL PROGRAM FOR EMPLOYMENT OF STUDENTS O SPES NG DOLE SA URBIZTONDO, IPINATUPAD NA

Ipinatupad na ngayon sa bayan ng Urbiztondo ang SPES o Special Program for Employment of Students na programa ng Department of Labor And Employment o DOLE.
Sumailalim sa orientation ang nasa limampu o 53 na mga benepisyaryo ng SPES kung saan nanguna ang mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Sa naturang orientation ay tinanggap ng mga ito ang mga dapat nilang malaman at mga ipinatutupad na mga rules and regulations sa kahit ano mang departamento ng lokal na pamahalaan sila madestino.

Pinayuhan ang mga benepisyaryo na pagbutihin ang kanilang pagtatrabaho dahil maaari silang mabigyan ng pagkakataon na tuluyan na makapagtrabaho bilang empleyado ng lokal na pamahalaan pagkatapos grumaduate. |ifmnews
Facebook Comments