Sinimulan nang ituro sa 10 pambulikong paaralan sa Metro Manila ang Korean language ngayong semester.
Ang Department of Education (DepEd) ang namili sa 10 pampublikong paaralan kung saan ituturo ang naturang lengwahe mula grade 7 hanggang 12.
Kabilang rito ang Las Piñas National High School, Jose Abad Santos High School, Kalayaan High School, Pasay City National Science High School, San Bartolome High School, North Fairview High School, Maligaya High School, Judge Feliciano Belmonte Sr. High School, Lagro High School, Makati High School.
Una nang nilagdaan ng DepEd ang isang memorandum of agreement kasama ang Korean Embassy para sa isang special program in foreign language.
Facebook Comments