AMBUSH | Getaway vehicle ng mga pumaslang sa Balaoan, La Union mayor, sinusuri na

Sinimulan ng suriin ng awtoridad ang narekober na getaway vehicle ng mga suspek na nanambang kay Balaoan, La Union Vice Mayor Al-Fred Concepcion.

Ayon kay Chief Inspector Silverio Ordinado Jr, public information officer ng La Union PNP, natanguan ang sasakyan sa San Juan, La Union.

Aniya, may mga tama ng bala ang sasakyan kung saan nakuha rin ang ilang basyo ng kalibre 45 at 9 millimeter pistol.


Sabi ni Ordinado, nakakuha na rin sila ng kopya ng CCTV malapit sa eskwelahan kung saan naganap ang pananambang.

Samantala, nasa stable nang kondisyon si Mayor Aleli Concepcion na sakay rin ng convoy habang nananatili naman sa ospital ang dalawang escort ng mga ito na nasugatan sa pananambang.

Facebook Comments