Posibleng ganapin na sa Sabado ang special session ng Kamara at Senado para talakayin at aprubahan ang ilan sa mga mahahalagang hakbang laban sa COVID-19.
Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagdaraos nang special session ng Senado at Kamara sa gitna ng Lenten break ng Kongreso.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, nakahanda na ang kanilang hanay pati si House Speaker Alan Peter Cayateno at sulat na lang ni Pangulong Duterte ang hinihintay.
Sinabihan na rin aniya niya ang mga skeletal forces sa Kamara na maghanda para maipasa kaagad ang panukalang dagdag-pondo.
Matatandaang bigong maipasa ng Kongreso ang ₱1.65 billion supplemental budget para gamitin kontra COVID-19 bago ang Lenten break na nagsimula noong nakaraang linggo.