CPP Founding Chairman Jose Maria Sison, tinawag na insensitive ng Malacañang

Tinawag ng Malakanyang na insensitive si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison.

Kasunod ito ng kanyang pambabatikos sa unilateral ceasefire na idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga rebeldeng komunista dahil sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, hindi na alam ni Sison ang tunay na nangyayari sa bansa.


Aniya, sa halip na tanggapin ni Sison ang ceasefire ay nais pa nitong magkagulo sa bansa habang patuloy na nagiging banta ang COVID-19.

Giit ni Panelo, walang ibang layunin ngayon ang pamahalaan kundi magkaisa ang sambayanan anumang paniniwalang politikal para mapagtagumpayan ang COVID-19.

Facebook Comments