Special session para sa Supplemental COVID budget, hiniling ng Minority Senators

Nanawagan ang ilang minority senators na magsagawa ng special session para sa Supplemental COVID budget.

Sa harap na rin ito ng patuloy na pagdami ng tinatamaan ng COVID-19.

Sa inilabas na statement nina Senators Leila De Lima, Franklin Drilon, Risa Hontiveros At Francis “Kiko” Pangilinan, hiniling nilang magsagawa ng special session para maipasa ang Supplemental Budget na tutugon sa pandemic.


Sakop nito ang pondo sa pagbili ng mga test kit para sa massive testing, relief goods, karagdagang health personnel, protective gear, hospital beds, gamot at bitamina, cash support sa mga daily wage earners na walang sick at vacation leaves at subsidiya para sa mga negosyo.

Facebook Comments