Kaso ng COVID-19 sa Cavite, dalawa na!

Umakyat na sa dalawa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cavite.

Sa facebook post ni Governor Jonvic Remulla, sinabi nitong isang medical practitioner ang pasyente na nahawaan sa pamamagitan ng community transmission.

Naka-confine na siya sa isang pribadong ospital sa Silang, Cavite.


Nitong nakaraang linggo nang maitala sa lalawigan ang unang kaso ng COVID-19, isang seaman na nakakabalik lang sa bansa at nakatira sa Imus.

Muli namang nakiusap ang alkalde sa mga residente nito na manatili na muna sa bahay.

Facebook Comments