Special session sa kongreso, ipinatawag para sa panukalang martial law extension

Manila, Philippines – Nagpatawag ng special session ang kongreso para sa planong pagpapalawig sa idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao.

Sa mensahe ni Majority Leader Rodolfo Fariñas, gagawin ang isang special session sa darating na Sabado, July 22 na siya ring araw na pagtatapos ng batas militar.

Hindi naman binanggit ni Fariñas kung gaano katagal ang nais ng pangulo na palawigin ang batas militar o kung sa buong Mindanao pa rin ang sakop nito.


Una nang nagpahayag ang ilang kongresista na handa silang magbigay ng suporta sa martial law extension kung ang basehan para sa proklamasyon ay mananatili.

Facebook Comments