Special Task Group na Tututok sa Insidente ng Kidnapping sa Isabela, Bubuuin ng Pulisya

Cauayan City, Isabela– Bubuo ng Special Investigation Task Group ang Isabela Police Provincial Office na tututok upang agad na maresolba ang insidente umano ng kidnapping na isinasakay sa puting van na naitala sa Bayan ng Aurora.

 

Ayon kay Provincial Director PCol. Mariano Rodriguez ng IPPO, mahigpit ang kanilang isinasagawang imbestigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga nasa likod ng pagdukot umano ng mga armadong kalalakihan sa ilang lugar sa Isabela.

 

Tatlong kalalakihan na kinilalang sina Gil Gazzingan, Alfredo Francisco at isang nagngangalang Joseph na kapwa mga naghahakot ng palay ng mangyari ang insidente nito lamang huwebes na dinukot umano sa Sta. Rita, Aurora at isa ay tubong Lungsod ng Cauayan.


 

Kaugnay nito, masusi namang inaalam ang posibleng lugar kung saan dinala ang mga nasabing biktima ng pagdukot nito lamang huwebes (Enero 6, 2020).

 

Posible din na may malaking grupo ang nasa likod ng nasabing pagdukot sa mga kalalakihan.

 

 

Facebook Comments