Lusot na sa House Committee on the Welfare of Children ang panukala na maglalaan ng special trust fund sa bawat inabandona at napabayaang bata na nasa ilalim ng pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay Committee on the Welfare of Children Chairman Yedda Marie Romualdez, matatanggap ng isang ulila ang kanyang trust fund sa oras na umalis na sila sa pangangalaga ng DSWD sa edad na 18 taong gulang.
Aabot sa P50,000 ang trust fund na makukuha ng isang inabandonang bata para makapagsimula ito sa pamumuhay ng solo.
Ang trust fund account ay ipapangalan naman sa benepisyaryo sa ilalim ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng DSWD at ng chosen trust entity.
Maaalis lamang ang account na ito kung ang beneficiary ay namatay o nasasangkot sa mga iligal na gawain o krimen.