Ipagpapatuloy ng gobyerno ang targeted special vaccination days nito ngayong Abril para mapabilis pa ang pagbabakuna sa mga lugar at rehiyon na may mababa pa ring vaccination coverage.
Ayon kay DOH Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson Dr. Myrna Cabotaje, ang special vaccination days ay “variant” ng Bayanihan, Bakunahan.
Tinutukoy nito ang mga lugar na nangangailangan ng espesyal na tulong para matugunan ang mga problema ng mga ito sa pagbabakuna.
Una nang nagsagawa ng special vaccination days sa Cebu province, Davao Region, and Cotabato City mula March 29 to 31, at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) mula March 30 to April 1.
Aminado naman si Cabotaje na hamon pa rin ang pagbabakun a sa BARMM kung saan 26% pa lamang ng 940,000 target population nito ang nakakakumpleto sa primary vaccine series.
Samantala, base sa datos ng DOH, nasa 65.8 milyong Pilipino na ang nakakumpleto sa bakuna hanggang noong March 30.