DAHIL SA DEPRESYON, SESENTAY UNO ANYOS NA LOLO SA BAYAMBANG NAGBIGTI

35
Depresyon ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ng isang sesentay uno anyos na lolo sa Brgy. Mangayao bayan ng Bayambang.
Nakilala ang biktima na si Delfin Chico Jr. residente ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakita na lamang umano ito ng kanyang kapatid na papasok sana sa banyo ngunit laking gulat nitong nakabigti na kanyang kapatid gamit ang isang lubid pasado alas sais ng umaga nito lamang March 31.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na dumaranas ng depresyon ang biktima at kamakailan lang ay isinugod pa ito sa pagamutan sa Dagupan City.
Ilang beses na rin umano nitong nagtangkang magpakamatay subalit napipigilan ito ng mga kaanak hanggang sa tuluyan na itong nagbigti. | ifmnews
Facebook Comments