Special vaccination days, itutuloy ng gobyerno ngayong buwan ng Abril

Tuloy-tuloy pa rin ang pagsasagawa ng gobyerno ng targeted special vaccination days ngayong buwan ng Abril.

Ito’y para mapabilis pa ang pagbabakuna sa mga lugar na nananatiling mababa ang vaccination coverage.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary at National Vaccination Operations Center (NVOC) Chairperson Dr. Myrna Cabotaje, ang special vaccination days ay isa sa mga hakbang o program ng “Bayanihan, Bakunahan” kung saan prayoridad ang mga lugar na nangangailangan ng karagdagang tulong para sa pagbabakuna.


Noong March 29 hanggang 31 nang ikasa ang special vaccination days sa Cebu Province, Davao Region, at Cotabato City habang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ay mula March 30 hanggang April 1.

Sa ngayon, malaking hamon parin ang pagbabakuna sa BARMM kung saan 26% pa lamang ng 940,000 target population nito ang fully vaccinated.

Mula ito sa 3.5 milyong indibidwal na kumukumpleto sa kanilang primary vaccine series.

Base sa datos ng DOH, nasa 65.8 milyong Pilipino na ang nakakumpleto sa bakuna hanggang noong March 30 kung saan target ng gobyerno na makakumpleto sa bakuna ang 90 milyong indibidwal.

Facebook Comments