COMELEC, nakahanda na sa ikalawang presidential debate mamayang gabi

Nakahanda na ang Comission on Elections para sa gaganaping ikalawang presidential debate mamaya sa Sofitel Hotel Tent sa Pasay City.

Nasa mahigit 30 pulis at mga traffic personnel ang ipapakalat sa paligid ng venue para magbantay.

Siyam sa sampung kandidato sa pagkapangulo ang lalahok na kinabibilangan nina:


1. Ernesto Abella
2. Ka Leody de Guzman
3. Manila Mayor Isko Moreno Domagoso
4. Norberto Gonzales
5. Sen. Panfilo Lacson
6. Sen. Manny Pacquiao
7. Faisal Mangondato
8. Jose Montemayor Jr.
9. Vice President Leni Robredo

Hindi naman dadalo si Marcos na una na ring absent noong debate na isinagawa noong March 19.

Samantala, mapapanuod ang presidential debates mamaya sa social media platform ng COMELEC simula alas-7 ng gabi.

Facebook Comments