
Isinusulong ng pamahalaan ang paggamit ng speed limiter para sa malalaking sasakyan tulad ng mga bus at truck.
Ito ang pahayag ng Department of Transportation (DOTr) matapos matalakay sa Senado ang mahalagang responsibilidad ng ahensya na tiyakin ang kaligtasan ng mga sasakyan sa lansangan.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Undersecretary Jesus Ferdinand ‘Andy’ Ortega na ipatutupad nila ang mga hakbang para sa roadworthiness ng mga sasakyan.
Sa ilalim ito ng pangangasiwa ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ang mga speed limiter ang maglalagay ng limitasyon sa bilis ng mga sasakyan na hindi dapat lalampas ng 80 kilometro bawat oras.
Facebook Comments