Spending program ng Maynilad, itataas ngayong taon

Nakatakdang itaas ng Maynilad Water Services Inc. ang kanilang spending program ngayong taon.

Ito ay para sa enhancement at expansion ng kanilang water at wastewater services.

Ang west zone concessionaire ay nakapaglaan ng ₱16.8 billion para sa kanilang capital expenditure (CAPEX) ngayong taon, halos doble sa kanilang ₱9 billion noong nakaraang taon.


Ayon kay Maynilad President and CEO Ramoncito Fernandez – layunin nito na pagbutihin pa ang kanilang serbisyo lalo na sa pag-facilitate ng sewerage coverage expansion sa west zone.

70% ng CAPEX ay gagamitin sa wastewater management projects tulad ng pagpapatayo ng bagong sewage treatment plant (STP) sa Central Manila, paglalatag ng 30 kilometrong sewerline sa Las Piñas, pag-upgrade sa mga kasalukuyang sewage treatment plants, pagpapatayo ng bagong pump stations at sewage treatment plant at ang pagbuo ng bagong sewer services connections.

Samantala, ang ₱1.9 billion ay ilalaan para sa water operations tulad ng pagpapatayo ng dagdag na pumping stations at reservoirs para sa supply management, service expansion programs at water source projects.

Magtatabi rin ang Maynilad ng ₱3 billion para sa kanilang water loss recovery o non-revenue water management program sakop ang leak detection and repair, meter management, pipe replacements at network diagnostics.

Ang natitirang pondo ay mapupunta sa customer service and information program.

Facebook Comments