‘Spiderman’ na nanggulo sa PBA finals, namigay ng pizza sa mga bilanggo

532
Screenshot via PBA

Bumalik ng presinto ang lalaking nakasuot ng Spiderman costume na biglang pumasok sa Game 5 finals ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots noong Mayo 10, para magbigay ng pizza sa mga bilanggo.

Ayon kay ‘Spidey’ na kinilalang si Paolo Felizarta mula sa Imus Cavite, gusto niyang ilibre ang mga preso sa Quezon City Police District Station 7 ng pagkain dahil mabait ang naging trato sa kanya.


Sa videong ipinost ng Kulatoy page, makikita ang mga malaking box ng pizza na dala ni Felizarta. Mababasa ang caption na “SPIDEY laya na at binalikan ang mga nakasama sa kulungan ng PAG-MAMAHAL“.

“Alam niyo naman nakulong ako. Babalikan lang natin ‘yung inmates ko dun siyempre kasi dadalhan natin sila nang pizza.”, pahayag ni Felizarta.

Naghiyawan ang mga nakakulong sa sopresa ni Spidey. Umabot na sa 1 million views ang kanyang giving back video.

 

Facebook Comments

From Advertisers