‘Spill-Over’ ng kaguluhan sa Maguindanao mula sa Marawi City, kinumpirma ng WESTMINCOM

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Western Mindanao Command ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ‘spill-over’ ng kaguluhan sa Maguindanao mula sa Marawi City.

Ayon kay WestMinCom Commander, Lt/Gen. Carlito Galvez Jr. – nag-rerecruit ng mga bagong miyembro ang mga terorista sa Central Mindanao.

Siniguro ni Galvez na ginagawa nila ang nararapat na hakbang para hindi na maulit sa iba pang lugar ang krisis sa Marawi.


Samantala, kinumpirma ni Galvez na malaki ang posibilidad na patay na si Abdullah Maute dahil hindi na ito palagiang nakikita sa main battle area.

Hinihinalang natamaan ng airstrikes si Abdullah noong Agosoto 26 o 29.

Facebook Comments