SPO3 Arthur Lascañas – bumaliktad na at pinatotohanan ang partisipasyon sa Davao Death Squad, operasyon ng grupo – may basbas umano’y ni Pangulong Rodrigo Duterte

MANILA, PHILIPPINES – Bumaliktad ang dating pinuno ni Edgar Matobato sa umano’y Davao Death Squad na si SPO3 Arthur Lascañas.

 

Sa press conference sa senado, personal na iniharap ng free legal assistance group o flag lawyers si Lascañas sa media kung saan pinatotohanan nito na mayroong Davao Death Squad.

 

Ayon kay Lascañas – isa siya sa pasimuno ng DDS at may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte noon siya pa ang alkalde ng davao ang kanilang operasyon.

 

Tumatanggap aniya sila ng 20-thousand hanggang 100-thousands pesos mula sa office of the mayor bilang bayad para pumatay ng mga suspek.

 

Inamin din ni lascañas na sila ang mastermind sa pambobomba sa muslim mosque sa Davao, pagmasaker sa isang pamilya at ang pagpatay sa mamamahayag si Jun Pala.

 

Naging emosyunan naman si Lascañas ng sabihin nito na mismong ang dalawang kapatid nito ay ipinapatay niya dahil sa loyalty kay Duterte.

 

Matatandaang sa pagdinig noon sa senado ay itinanggi ni Lascañas na mayroon Davao Death Squad at pinabulaanan ang lahat ng sinabi ni Matobato.  

 


Facebook Comments