SPO3 Arthur Lascanas, pahaharapin muli sa Imbestigasyon ng Senado kaugnay ng Davao Death Squad

7

MANILA, PHILIPPINES – Nagdesisyon na ang senado na paharapin sa imbestigasyon ng senate committee on public order and dangerous drugs ang dating pulis na si SPO3 Arthur Lascanas.

 

Sampung senador ang bomoto pabor na mapaharap si Lascanas at idetalye ang nalalaman sa mga kaso ng pagpatay na ginawa ng Davao Death Squad na umanoy binuo ng noo’y mayor at ngayoy si Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Naganap ang botohan sa ipinatawag na caucus ng mga senador, kahapon.

 

Nabatid na nagpatawag ng caucus dahil sa pagharang ng ilang mambabatas na mapaharap pa si Lascanas dahil sa ginawa nitong pagbaligtad sa nauna niyang testimonya.



 

Facebook Comments